Monday, September 27, 2010

D:

bakit ba ganun? ang malas ng katulad ko sa ... D: ayoko nalang sabihin
dahil wala mangyayari kung malaman mo rin
ok na sana eh pero malapit nang mangyari muli
ayoko munang manligaw sa bagong napili

baka ako nanama'y matanga sa aking gagawin
ayoko lng marining amg masakit na sasabihin
galing sa iyo na aking pinapangarap
kahit masakit pilit na tatanggapin

siguro sa oras na to ako ay malungkot pa
dahil nawala ang gusto kong makasama
sige ako ay aalis na muna
dahil kailangan ko na matulog kasi gabi na :(

...

lumiligaya ako pag kasama ang banda
sa tugtugan sila ang kasama
hanggang saan kami dadalhn ng musika?
sa mala tula naming kanta :D

Sunday, September 26, 2010

:))

Wala akong magawa
kaya ako ay tumutula
dito sa aking blog na ginawa
ang boring naman talaga :))

:D

Ang iyong ngiti ay nagbibigay ligaya
Sa buhay kong mga nangyari ay masama
nabahiran ang aking buhay ng iyong kulay
salamat sa pagpinta sa aking puting buhay

pinakanagustuhan kong kulay ay pula
dahil diyan sa labi mong mapula
na lagi kong gustong gusto na makita
sana ang sayang nakaukit sayong muka ay wag mawala

Saturday, September 11, 2010

pagsubok

Ganito lang talaga ang laro ng buhay
Kailangan lang natin masanay
Di patas at masyadong mahirap
Kailan kaya ako makakapunta sa alapaap?

.

Di ko lam kung bakit
bat ganito kasakit
lagi nalang ganito
...matatapos pa ba to?

Thursday, September 9, 2010

hayzzz nako naman talaga

Muka langg pala akong manloloko para sa iyo
bakit? dahil ba sa mga babae sa paligid ko?
alam ko hindi ka maniniwala sa aking salita
pero maniwala ka kaya sa aking gawa?

masyado lang akong torpe :(

Gusto ko malaman kung bakit
ayaw mo naman sabihin dahil ba to'y masakit?
ayoko lang magpakatanga sa wala
gusto ko lang malaman kung ako'y may pag-asa

Wednesday, September 8, 2010

tula uli :D

ako ay pinana ni cupido
takte ako'y naging stupido
ako'y nahulog masyado sayo
pero hindi ko pinagsisihan ito

...nagpakatanga sa pag ibig
parang nalunod ako sa tubig
tanggap kong di mo ko kayang ibigin
hindi mawawala ang aking pagtingin

Panambitan ikaw ay lumigaya
kahit sa piling ng iba
pero ako ay mas sasaya
kapag tayo ang magkasama

pangangamba

itutuloy ko pa ba?
o huwag na lang kaya?
ako ay nangangamba
na wala kong pag-asa

Tuesday, September 7, 2010

hayzz ):

ako ay napunta sa kawalan
pagpunta doon ay nagkaligawan
ito ba talaga ang paraiso?
...o ilusyon lang pala lahat ng ito?

Naligaw ako sa pagpunta roon
sana tulungan ako ng Panginoon
makabalik sa paraisong kay saya
sa alapaap na ligaya lang ang madarama