Wednesday, October 20, 2010

:(

ako ay nagkamali
sa aking mga sinabi
mahal pa rin kita
ayon pa rin ang aking nadarama

siguro nga wala na akong pag asa
dahil sa tingin mo ay lolokohn kita
ang gusto kong sabihin pasensya talaga
di ko lang talaga masabi kaya dinadaan ko sa patawa

Tuesday, October 5, 2010

kurakot

pamamalakad dito
kurakot ang gobyerno
matitigil pa ba to?
impyerno bagsak niyo

...

nang ika'y makita ko
ang oras ay huminto
Ay! ako ay nabunggo
dahil nakatingin s'yo

kaguluhan

ako ay nalilito
sa nangyayari dito
matatapos ba ito?
magulo ang mundo na to

Monday, September 27, 2010

D:

bakit ba ganun? ang malas ng katulad ko sa ... D: ayoko nalang sabihin
dahil wala mangyayari kung malaman mo rin
ok na sana eh pero malapit nang mangyari muli
ayoko munang manligaw sa bagong napili

baka ako nanama'y matanga sa aking gagawin
ayoko lng marining amg masakit na sasabihin
galing sa iyo na aking pinapangarap
kahit masakit pilit na tatanggapin

siguro sa oras na to ako ay malungkot pa
dahil nawala ang gusto kong makasama
sige ako ay aalis na muna
dahil kailangan ko na matulog kasi gabi na :(

...

lumiligaya ako pag kasama ang banda
sa tugtugan sila ang kasama
hanggang saan kami dadalhn ng musika?
sa mala tula naming kanta :D

Sunday, September 26, 2010

:))

Wala akong magawa
kaya ako ay tumutula
dito sa aking blog na ginawa
ang boring naman talaga :))

:D

Ang iyong ngiti ay nagbibigay ligaya
Sa buhay kong mga nangyari ay masama
nabahiran ang aking buhay ng iyong kulay
salamat sa pagpinta sa aking puting buhay

pinakanagustuhan kong kulay ay pula
dahil diyan sa labi mong mapula
na lagi kong gustong gusto na makita
sana ang sayang nakaukit sayong muka ay wag mawala

Saturday, September 11, 2010

pagsubok

Ganito lang talaga ang laro ng buhay
Kailangan lang natin masanay
Di patas at masyadong mahirap
Kailan kaya ako makakapunta sa alapaap?

.

Di ko lam kung bakit
bat ganito kasakit
lagi nalang ganito
...matatapos pa ba to?

Thursday, September 9, 2010

hayzzz nako naman talaga

Muka langg pala akong manloloko para sa iyo
bakit? dahil ba sa mga babae sa paligid ko?
alam ko hindi ka maniniwala sa aking salita
pero maniwala ka kaya sa aking gawa?

masyado lang akong torpe :(

Gusto ko malaman kung bakit
ayaw mo naman sabihin dahil ba to'y masakit?
ayoko lang magpakatanga sa wala
gusto ko lang malaman kung ako'y may pag-asa

Wednesday, September 8, 2010

tula uli :D

ako ay pinana ni cupido
takte ako'y naging stupido
ako'y nahulog masyado sayo
pero hindi ko pinagsisihan ito

...nagpakatanga sa pag ibig
parang nalunod ako sa tubig
tanggap kong di mo ko kayang ibigin
hindi mawawala ang aking pagtingin

Panambitan ikaw ay lumigaya
kahit sa piling ng iba
pero ako ay mas sasaya
kapag tayo ang magkasama

pangangamba

itutuloy ko pa ba?
o huwag na lang kaya?
ako ay nangangamba
na wala kong pag-asa

Tuesday, September 7, 2010

hayzz ):

ako ay napunta sa kawalan
pagpunta doon ay nagkaligawan
ito ba talaga ang paraiso?
...o ilusyon lang pala lahat ng ito?

Naligaw ako sa pagpunta roon
sana tulungan ako ng Panginoon
makabalik sa paraisong kay saya
sa alapaap na ligaya lang ang madarama

Friday, August 20, 2010

Tula

Sana hindi iyan mawala
Ligayang nakaukit sa iyong mukha
Ngiting sa labi mong mapula
Panalangin na lagi itong makita

Wednesday, August 18, 2010

:D

kung puwede lang sana
ika'y muling makita
ako ay matutuwa
at buhay ko'y sisigla

Tuesday, August 17, 2010

paraisong kay sarap :D

Ito ay hanap hanap
paraisong kay sarap
saya'y lumalaganap
dito sa alapaap

:(

san na ang paraiso?
sa aking sawing puso
puro nalang pasakit
masyado nang masakit

Monday, August 16, 2010

tanaga tanga :))

pag ikaw ang kasama
walang gumagambala
sa puso at isipan
ikaw ang nilalaman

pagaalinlangan

ko'y nagaalinlangan
na ikaw ay ligawan
baka ipagtabuyan
aking nararamdaman

Saturday, August 14, 2010

Kapayapaan

Masayang nagmamal sa kapwa tao
Kaligayahan ating natatamo
Payapa ang nararamdaman ng puso
Sana ang pag-ibig ang siyang tumubo

Saturday, August 7, 2010

pain ;(

paminsan hinihiling ko nalang na ako'y mawala
dahil sa buhay kong ito na puro problema
na binibigay sakin ng aking pamilya
siguro nga'y ako'y nabuhay na hindi liligaya

iniiyak ko nalang lahat ng nararamdaman
dahil ako'y sobra nang nasasaktan
pinipilit ko nalang tiisin ang lahat
nalalasahan ko nang luha kong maalat

Friday, August 6, 2010

luto :))

kapag ako'y nagluto
ika'y mapapanguso
sa sarap nitong luto
araw mo'y mabubuo

Sunday, August 1, 2010

pagkakamali

Isang pagkakamaling ayaw maulit
dahil ayaw na muling masaktan subalit,
ngayong nagmahal uli ng kapwa tao
ngayon kaya'y tama na ito

Southborder - rainbow

Fallin out, fallin in
Nothin's sure in this world, no no
Breakin out, breakin in
Never knowin what lies ahead
We can really never tell it all

Say goodbye, say hello
To a lover or friend
Sometimes we never could understand
Why good things begin then just end
We can really never have it all (no,no,no)

Refrain:
But/coz oh, can't you see
That no matter what happens
Life goes on and on
So baby just/please SMILE
Coz i'm always around you
And i'll make you see
How beautiful life is for you and me

Chorus:
Take a little time baby
See the butterflies colors
Listen to the birds that were sent
To sing for me and you
Can you feel me
This is such a wonderful place to be

Even if there is pain now
Everything will be alright
For as long as the world still turns
There will be night and day
Can you hear me
There's a rainbow always after the rain

Hittin high, hittin low
Win or lose you should go (yeah yeah)
Getting warm, getting cold
Weather could be so good or bad
But baby this is life
Now don't get mad

(Repeat refrain)
(Repeat chorus)

Bridge:
Life's full of challenges
Not all the time we get what we want
But don't despair my dear
(And i know that) You'll take each trial
And you'll make it through the storm coz you're strong
My faith in you is clear
So i'll say once again this world's wonderful
And let us celebrate life that's so beautiful, so beautiful

Repeat Chorus

Very nice song :D

Saturday, July 31, 2010

Kaya gmawa ng blog =))

Wala akong magawa
kaya ako'y tumutula
dito sa blog na ito
pampalipas oras ko

pangarap :D

Akala mo mahirap
dahil sobrang taas ng pangarap
parang inaabot mo lang ang alapaap
pero pag nakatapak sa patunguhan, kay sarap

Friday, July 30, 2010

Good nyt and Good morning =))

Ako'y matutulog na
sa paboritong kama
galing sa makati
ngayon lng nakauwi

Enjoy ung master class (musical play) medyo nakakaantok nga lng pero sobrang galing nakaka goosebumps =))

:D

wala akong magawa
kung di ay tignan ka
ako ay nabighani
sa maganda mong ngiti

Thursday, July 29, 2010

wish :)

I wish that you will love me too
the way I loved you
that's the only wish
I wanted to come true

Tuesday, July 27, 2010

tula :)

Musikang inaalay sayo
sana matatanggap mo ito
pag-ibig na galing sa puso
ito ay para lang sa iyo

salitang mahirap sabihin
ipakita? mahirap gawin
salitang minamahal kita
sana sayo'y maipakita

Ako ay laging nakatingin
umaasa ikaw ay akin
sana ay masabi ko sayo
mahal kita ito'y totoo

Monday, July 26, 2010

Gud nyt :)

ako'y matutulog na
sa malambot na kama
pilit na sinasara
ang aking mga mata

=))

Wala lang :D

Sige ako'y mahina
dahil nariyaan ka
hindi makasalita
sa ngiti at tingin ta'

Ngiting nakabighani
na hindi mabibili
sana naryan palagi
sa mapulang mong labi

Kung ganun lang kadali
sakanya ay nasabi
sabihin? imposible
takte ako'y natorpe