Wednesday, September 8, 2010

tula uli :D

ako ay pinana ni cupido
takte ako'y naging stupido
ako'y nahulog masyado sayo
pero hindi ko pinagsisihan ito

...nagpakatanga sa pag ibig
parang nalunod ako sa tubig
tanggap kong di mo ko kayang ibigin
hindi mawawala ang aking pagtingin

Panambitan ikaw ay lumigaya
kahit sa piling ng iba
pero ako ay mas sasaya
kapag tayo ang magkasama

pangangamba

itutuloy ko pa ba?
o huwag na lang kaya?
ako ay nangangamba
na wala kong pag-asa

Tuesday, September 7, 2010

hayzz ):

ako ay napunta sa kawalan
pagpunta doon ay nagkaligawan
ito ba talaga ang paraiso?
...o ilusyon lang pala lahat ng ito?

Naligaw ako sa pagpunta roon
sana tulungan ako ng Panginoon
makabalik sa paraisong kay saya
sa alapaap na ligaya lang ang madarama

Friday, August 20, 2010

Tula

Sana hindi iyan mawala
Ligayang nakaukit sa iyong mukha
Ngiting sa labi mong mapula
Panalangin na lagi itong makita

Wednesday, August 18, 2010

:D

kung puwede lang sana
ika'y muling makita
ako ay matutuwa
at buhay ko'y sisigla

Tuesday, August 17, 2010

paraisong kay sarap :D

Ito ay hanap hanap
paraisong kay sarap
saya'y lumalaganap
dito sa alapaap

:(

san na ang paraiso?
sa aking sawing puso
puro nalang pasakit
masyado nang masakit